Skip to main content

LATEST UPLOADS

Aug 7 2011 - 19:54

Si Lino, si Rene, si Albert. Lahat sila ay umiibig kay Mariel. Ang una ay mapagtiis. Ang ikalawa ay mapusok. Ang ikatlo ay matiyaga. Sino sa kanila ang magiging mapalad sa pag-ibig ng dalaga?

Habang May Altar Na Naghihintay
Aug 3 2011 - 20:23

Kanina pa nakamasid si Sharon sa mga kumakanta at nais na niyang matawa sa mga ito. Hindi nga lamang niya magawa dahil mahigpit na bilin sa kanya ni ManongTolite, ang kanyang amo, na huwag niyang pagtatawanan ang mga customers. Maglilimang buwan na siyang kahera doon. Safe naman siya roon dahil nakapuwesto siya sa likod ng kaha na nasa loob naman ng isang rehas na mistulang kulungan. Pinasadyang lagyan ng grills ang bahaging iyon upang iwas holdup at masasamang loob. Nagtapos siya ng two-year course na Electronics. Iyon lang kasi ang kursong ino-offer sa nag-iisang kolehiyo sa bayan ng M.H. del Pilar at hindi na makaya ng kanyang ina na pag-aralin pa siya sa Maynila. Isa lamang kasi itong mananahi.

Bituin Ng Puso Ko
Aug 2 2011 - 20:43

Sa kagustuhan ng mga magulang ni Sandra na maging American citizen ang anak ay ipinakasal nilang pilit kay George. Masakit sa loob na talikuran ni Sandra ang katipang si Joel sa pagsunod sa mga magulang. Hanggang saan hahantong ang pagiging mabuting anak niya? Hanggang kalian niya maisusuko ang pag-ibig?

Sana Dalawa Ang Puso Ko
Jul 27 2011 - 17:49

Sinikap ni Rosette na maibigay kay Louie ang pag-ibig na hinahanap ng lalaki, nguni’t waring hindi sapat ang pagmamahal para sila ganap na lumigaya. Ano pa kaya ang maibibigay at magagawa ni Rosette para maantig ang bakal na puso ni Louie?

Kung Kulang Pa Ang Pag-ibig
Jul 26 2011 - 06:13

Dati’y parang prinsesa si Laarni sa isang fairy tale story. Magagara ang mga kasuotan, mararangya ang mga okasyong dinadaluhan. At maging ang pagmumodelo ay isa lamang libangan at hindi hanapbuhay para sa dalaga. Hanggang sa mamatay ang kanyang ama. Wika nga’y doon natapos ang kanyang maliligayang araw. Nakatakda palang siya ang magbayad sa hiram na luhong ipinalasap nito sa kanya. Kaya ba niyang manloko ng isang tao mapanatili lamang ang kinasanayang buhay? Paano kung ang taong lolokohin niya ay kasingtunog ng milyonaryong si Adam Montelibano? At paano rin kung matuluyan siyang mapaibig dito?

Hindi Huwad ang Pag-ibig Ko
Jul 26 2011 - 21:36

PUMAILANLANG ang masigabong palakpakan sa backyard ng Araña Mansion na pinagdarausan ng kasayahan. Dahan-dahan namang pumanaog sa malapad na outside staircase si Donna mula sa mataas na terrace. She was wearing a haltered dress decorated with gold threads and pink stones. Her long black hair was brushed up. Napakaganda ng kanyang ngiti, naka-chin up siya, at may finesse sa kanyang pagkilos. Hindi siya naiilang na salubungin ng tingin ang mga matang nakatuon sa kanya dahil alam niyang maganda siya at mayaman, at batid niyang marami sa mga kababaihang naroroon nang gabing iyon ang naiinggit sa kanya.

Prima Donna
Jul 20 2011 - 20:24

Katuwaan lang, nagpasuri si Henry sa kaibigang doktor bago nagpakasal kay Anita. Ang resulta ng pagsusuri: Hindi siya maaaring magkaanak. Hindi siya magiging ama kailanman. Inilihim niya iyon kay Anita. Natuloy ang kasal at nagsimula silang mamuhay nang maligaya. Noon sumambulat ang bomba. Nagdalantao si Anita.

Bukod Kang Pinagpala
Jul 13 2011 - 18:32

Marahas at malupit ang naging kamatayan ng nobyo ni Emily. Inihanap niya iyon ng katarungan. Ito ang mismong naglapit kay Arthur, isang abogadong tulad ng dalaga ay dumanas ng mapait na pagkawala ng mga mahal sa buhay. Ang hindi nila kapwa inakala, sa paghahanap ng hustisya’y ang isa’t isa ang kanilang natagpuan. Ngunit may malaking sagabal sapagkat sariling kunsensiya ang kalaban ni Emily.

Batas Ng Puso
Jul 12 2011 - 19:11

ABALA si Tea sa pagtingin sa Bop magazine. Iniipitan niya ng handmade bookmarks ang bawat pahinang pipilasin niya upang idikit sa dingding. She was fifteen years old at patay na patay siya sa New Kids On The Block o NKOTB, ang sikat na sikat na boy band nang mga panahong iyon. “Ang cute mo talaga, Joe!” Nakangiti siya habang kinikilig pang kinausap ang nakangiting picture ni Joe McIntyre, ang pinakabatang miyembro ng New Kids On The Block at siya niyang paborito. Inilapit niya ang magazine sa dibdib at kusang nag-flutter ang mga eyelashes niya. Ini-imagine niya na boyfriend niya ang blue-eyed na blond. Nagulantang pa siya sa mahinang katok na iyon sa pinto. Asar na natigil ang pagde-daydreaming niya. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Sally. Agad itong pumasok sa loob ng kuwarto niya at ipininid ang pinto.

Isang Gabi Sa Piling Mo
Jul 10 2011 - 23:25

Sino ang campus queen? Si Laarni na walang tatalo kung elegance at sophistication ang pag-uusapan? O si Jewel na kaya lumipat ng unibersidad ay para sundan ang mahal niyang si Kenneth, na basketball star naman ng naturang kolehiyo? Kailangang matalo ni Jewel ang mga katangian ni Laarni, pati ang pagka-liberated nito, para muling maalala ni Kenneth na siya pa rin ang mahal nito.

Campus Queen