Skip to main content

LATEST UPLOADS

May 2 2011 - 00:25

May panganib sa buhay ni Meg. Isang obsessive admirer ang nanggugulo’t nagbabanta sa kanyang buhay. Kailangan niya ng protector, isang bodyguard. At ang most qualified sa position ay si Derick Romasanta, isang makisig na private investigator na nanggaling pa sa US. Ngunit may kondisyon si Derick. Para mabantayan nito ang kaligtasan ng dalaga sa loob ng beinte-kuwatro oras, kailangang magpanggap silang dalawa bilang mag-asawa. Tumutol ang isip ni Meg. Pero hindi ang kanyang puso.

My Protector
May 2 2011 - 22:40

NAKANGINGILONG tunog ng biglang nagprenong sasakyan ang nagpatalon kay Argana. Ginising niyon ang tila natutulog niyang huwisyo. “Magpapakamatay ka ba?!” Nag-angat siya ng mukha. Gadangkal na lamang halos ang layo sa kanya ng silver gray convertible. Kaya naman pala ganoon na lamang kung makasinghal sa kanya ang driver niyon. “I-I’m sorry,” mahina niyang sabi bago humakbang nang patalikod.

Blue Heart Lady
Apr 25 2011 - 22:00

May girlfriend na si Carlo – si Melissa. Ngunit ayaw ng mga matapobreng magulang ng dalaga kay Carlo. Pilit pinaghihiwalay ng mga ito ang magkasintahan. Pero hindi mapapayagan ni Clarisa na mangyari iyon. Tumulong siya sa pakikipaglaban ng pag-iibigang Carlo at Melissa. Ginawa niya ang lahat upang magtagumpay ang pag-ibig ng dalawa. Gumawa ng isang hakbang na alam niyang isang malaking kagagahan. Ngunit wala siyang pinagsisisihan. Dahil ang lahat ay ginawa niya sa ngalan ng wagas at mapagparayang pag-ibig kay Carlo...

Sa Ngalan Ng Dakilang Pag-ibig
Apr 19 2011 - 21:57

Nang mag-apply si Grace sa posisyong sekretarya ng civil engineer na si Leroy Zaldarriaga, ang tanging habol niya’y ang malaking suweldo. Huli na nang malaman niyang ang magiging boss pala niya’y binata pa – at sobrang macho at ma-chicks. May boyfriend na siya – isang OCW sa Singapore – at iyon ang kanyang iniisip na magiging mister niya. Ngunit nang biglang sabihin sa kanya ni Leroy na gusto nitong maging asawa siya, hindi siya nakatanggi. At naging bahagi siya ng nakaraan ni Leroy – isang nakaraan na naglantad sa tunay na pagkatao nito...

Bakit Ba Kita Minahal
Apr 14 2011 - 08:12

BUMALATAY ang kirot sa guwapong mukha ni Romano Noriega. Mula sa siwang ng bintanang pinagkukublihan ay tanaw niya ang kaakit-akit na larawan ni Agnes Maria Esmana y Legazpi. Kay ganda ng larawang iyon. “Ahh... Agnes,” mahina subalit maemosyong bulong niya. Ilang saglit pa siyang nakiramdam bago dahan-dahang sumampa sa pasimano. Walang ingay na narating niya ang nursery ng mansiyon ni Aurelio Esmana. Napangiti siya nang maluwang nang makita ang crib ng sanggol na pakay. “Romina...” bulong niya habang pinagmamasdan ang dalawang buwang sanggol na babae. Kinarga niya ito nang buong-ingat at idinikit sa kanyang pisngi ang maselang pisngi nito. “Agnes Romina... my child...” Ilang sandali siyang nanatili sa posisyong iyon bago nagpasyang lumabas na ng silid. Kung gaano siya kaingat na pumasok sa kabahayan, mas doble ang ingat ang ginawa niya nang siya ay lumabas. Tangay niya ang sanggol na si Aurelianna Maria Legazpi Esmana.

Zach
Apr 11 2011 - 00:06

MATAGAL nang nakaupo sa dilim si Miguel. Magmula pa kaninang natanggap niya ang phone call na naghatid ng balitang namatay si Don Fernando Samonte III sa isang mountain climbing accident....

Miguel
Apr 6 2011 - 23:04

“LIGAWAN n’yo, Bosing,” wika ni Berto, isa sa mga lalaking nasa hardin, nakapalibot sa kanya. Gayon na lang ang talim ng sulyap na ipinukol niya sa tauhan. Napalunok ito. Bakit ba nakalimutan nito ang pinakaimportanteng batas ng sindikatong sinalihan? Magbiro ka na sa lasing at sa bagong gising, huwag lang sa gangster na brokenhearted!

Montero
Apr 1 2011 - 04:03

ALAM ni Renata na may malaking dahilan kung bakit nagustuhan ng kababatang si Mon ang pagiging konserbatibo niya at mahinhin. Akala niya ay wala nang katapusan ang kanilang kaligayahan. Ngunit umentra sa buhay nila ang isang tuksong nagngangalang Thet. Umiyak si Renata nang maakit ng babae si Mon. Kasabay niyon, sumumpa siya sa sarili: tapos na ang pagiging ‘Maria Clara’ niya. Ipakikita niya kay Mon na kung sa kaseksihan at pagiging moderno lamang ay kaya niyang daigin ang babaing ipinalit nito sa kanya...!

Taksil Ka Man Sa Pagsinta
Apr 1 2011 - 04:24

Napapitlag siya. And she knew instantly kung sino iyon. Pumihit siya upang humarap sa may-ari ng tinig, and came face to face with Levi Ranierro. Damang-dama niya ang pag-init ng mga pisngi niya, and was furious with herself dahil sa bagay na iyon. Sa loob ng ilang sandali ay hindi siya makaapuhap ng anumang masasa¬bi habang nagsasalubong ang kanilang mga mata. His forceful personality hit her with an impact that left her breathless. Hindi niya akalaing ganoon ang lalaki up close. His eyes were deep and clear gaya ng kulay ng hinog na palayan, tila ginto kapag tinatamaan ng araw. Mula sa gilid ng mga matang iyon ay nagpa-fan out ang mumunting laugh lines, adding character sa mapuwersanang personalidad nito. Nadama niya ang pagbilis ng kanyang pulso. At madali niyang na-realize ang pagkakaiba ng publicity photos at ng lalaki sa kanyang harapan....

Symphony of Hearts
Mar 31 2011 - 02:03

Iba ang nakikita ng mga mata sa nakikita at nararamdaman ng ating puso. Ito ang kabuuan ng kuwento ng pag-ibig nina Regina at Troy. Kung paanong minahal pa rin ni Troy si Regina sa kabila ng di-magandang pagkakilala niya sa pagkatao nito.

Paano Susuklian ang Pag-ibig?