Skip to main content

LATEST UPLOADS

Sep 29 2011 - 21:30

Kapitbahay nila si Luke. Halos magkatabi lang ang mga hacienda na pag-aari ng kanilang pamilya. Kaedad ito ng ate niya. Guwapo ito at mabait. Madalas pa nitong sabihing maganda siya kaya naman crush na crush niya ito. At kahit anim na taon ang agwat ng kanilang edad, alam niyang ito ang lalaking pakakasalan niya.

A Kiss In The Moonlight
Sep 28 2011 - 19:20

Siya ay guwapo, napakayaman, napakatalino at napakagaling sa halos lahat ng larangan. Para kay Jude, Walang babaing karapat-dapat umangkin sa kanya. Pero nang muli silang magkita ni Lorika ay nataranta siya. Bukod sa nakakabaliw nitong ganda, ito’y nagpakita ng mga katangian na makailang ulit na tumalo sa kanya. Tinalo ba ni Lorika si Jude para maghiganti o tinalo niya ito para siya ay mahalin?

Kapag Humalik Ka Na Sa Lupa
Sep 26 2011 - 21:03

SAN LORENZO RUIZ, 1995. HUMIMPIL ang sinasakyang truck ng Pamilya Asuncion sa isang two-storey house, may maliit na gate, na hindi lalampas sa isang tao, at napipinturahan ng berde. Naunang umibis si Aira mula sa nasabing sasakyan. Nagtataglay siya ng aura ng isang modelo dahil sa buhok niyang itim na itim at mahahabang biyas na binagayan ng maamong mukha. Sumunod ang nakababata niyang kapatid na si Elvira, at panghuli ay si Mrs. Lorena Asuncion, ang butihin nilang ina. Magkakasunod ding bumaba ang tatlong lalaki na kasama nila sa paglilipat ng bahay.

Tingnan Mo Naman Ako
Sep 23 2011 - 22:42

“I’M GOING to make you happy...” Napaungol si Alexandra habang sinusuyod ng halik ang leeg ni Eleazar. Ang bawat bahaging iniiwanan ng mga labi nito ay nangungulay-pula dahil sa lipstick. She aggressively unbuttoned his polo at sabik na hinalikan ang balbon niyang dibdib. “You`re going to be mine... again.”

Too Good To Be True
Sep 22 2011 - 19:03

Malaki ang kasalanan sa akin ng iyong ama! Naniningil lang ako!” Ito ang sinabi ni Rowel kay Jayne nang dukutin siya nito at pagtangkaang halayin. Walang ideya si Jayne kung ano ang kasalanang tinutukoy ng lalaki. Ngunit nang malaman niya ang lahat, siya mismo ang nag-alay ng sarili niya kay Rowel. Isinakripisyo niya ang sarili upang tubusin ang kasalanan ng kanyang papa sa lalaki. Ngunit may pagsasakripisyo ba na sa halip na magdusa ay nag-enjoy pa nang husto ang gumawa? Matagal bago natanggap ni Jayne sa sarili ang katotohanan – sadyang napaibig siya sa guwapo niyang abductor!

Tubusin Mo Ang Kasalanan
Sep 21 2011 - 20:33

KATULAD ng ibang mabait na anak, maraming pangarap si Olivia para sa kanyang mga magulang. Mga pangarap na hindi maalis sa isip niya kaya wala siyang panahon para sa pag-ibig na iniaalok ni Raymond. Hindi maibigay ng binata ang mga pangarap na iyon. Lumuwas si Olivia ng Maynila at nakilala niya si Pablo. Naramdaman niya, ang lalaki ang magiging susi para sa hinahangad niya. Tinanggap niya ang pag-ibig ni Pablo na labis na ikinabigo ni Raymond. Ngunit ang masakit, hindi niya lubusang kilala si Pablo.

Sabihin Mo Sa Akin Ang Iyong Pangarap
Sep 19 2011 - 20:45

Aksidenteng nakilala ni Kristin si Jules, na tumatakas mula sa isang arranged wedding. Dahil ultra independent at liberated ay nagawa niyang patirahin ang guwapo at simpatikong binata sa condo unit niya – at tinuruan itong maging malaya at makilala ang tunay na sarili’t damdamin. Then romance blossomed. Tinanggap niya ang yakap at halik nito, ngunit hindi ang alok nitong kasal. Tinanggap niya ang pag-ibig nito, ngunit hindi ang pangako nitong magsasama sila forever. Dahilan para lumayo ang binata. Noon siya nag-panic nang husto. Noon niya napagtantong kailangan niyang pairalin ang tunay na tibok ng kanyang puso at paimbabawin ito sa kanyang mga paniniwala... maibalik lang sa piling niya ang lalaking pinakamamahal...

When Forever Comes...
Sep 16 2011 - 20:24

“Ang sabi ng mga nakakita na sa kanya, very good-looking daw si Noah Pierson. At mabiro,” narinig niyang sabi ni Joanna na pumukaw sa pag-iisip niya. “He is. Good-looking, I mean,” aniya. Iyong sinabi nitong mabiro ito, hindi siya sigurado roon. Ang naaalala niya ay isang istriktong kuya ng best friend niya. Kung tingnan siya nito noon ay parang siya lagi ang promotor kapag nagkakaroon ng gulo. Na parang kapag nakakagawa ng mali ang mahinhin nitong kapatid ay tiyak na siya ang may kasalanan. Kunsabagay, most of the time ay siya naman talaga ang may kasalanan. Lalo lang niya itong pinagtatawanan noon.

My Love, My Hero: Noah
Sep 14 2011 - 21:03

MALAPIT nang sagutin si Francis ni Teri. Sabi nga nito, gusto lang daw niyang matiyak kung honest ang binata sa feelings nito sa kanya. Naisama ni Francis sa boarding house niya si Teri. Saka naman umeksena si Demi - ang dalagang pamangkin ng landlady niya at numero unong kontrabida sa buhay niya. Hinalikan siya nito. At tinawag na sweetheart sa pagkakabigla ni Teri. Paaano niya maipapaliwanag kay Teri na ginu-goodtime lamang siya ng dalagang aminadong may crush sa kanya? Makikiusap ba siya kay Demi na sabihin kay Teri na joke lang ang ginawa nitong paghalik sa kanya? At hindi ganoon kadaling pakiusapan si Demi kahit pa dahil sa sobrang inis niya sa dalagang cute (maldita nga lang!) ay mahiling niyang sana’y kunin na lang ito ni Lord!

Magpakatotoo Ka, Sweetheart
Sep 13 2011 - 21:32

Hindi karaniwang nangyayari sa araw-araw na umibig sa isang tulad ni Nimfa ang binata, guwapo, mayaman at edukado na tulad ni Jordan. Sa tulad ni Nimfa na bukod sa isa lang pipitsuging singer/receptionist sa isang club, ay may anak pa sa pagkadalaga. At para kay Nimfa, ang di-pangkaraniwang pangyayaring iyon ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang alok ni Jordan na pakasalan siya. Siya mismo kasi’y hindi makapaniwala na tunay nga ang nadaramang pag-ibig para sa kanya ng lalaki. Kaya hindi kailanman hinangad ni Nimfa na itali si Jordan sa kanya bilang asawa. Ayaw niyang tuluyang angkinin ang kalayaan ni Jordan. Dahil alam niyang isang araw ay maaari itong magising sa katotohanan na hindi siya ang karapat-dapat na babae para rito.

Sapat Na Ang Minsa'y Minahal Mo Ako