Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jan 17 2011 - 01:34

Ang Ate Gina niya, iniwan ng nobyo. Nasira ang buhay. Ang Kuya Marcelo niya, hindi natuloy mag-abroad. Nagastos nito sa pambababae ang perang gagamitin sana. Ang Itay niya, may tinaga! Dahil binabastos ang kanyang ina. At si Bob…unti-unti niyang nararamdaman ang paghihimagsik. Lagi siyang inaapi. Dahil mahina siya. Ngayon, kinukutya ang kanyang pamilya. Hindi na niya kaya…Hindi na! At hinubad ni Bob ang maskarang nagtatakip sa tunay niyang katauhan.

Agiw
Jan 17 2011 - 01:13

Kapiling na niya ang buong pamilya pero hungkag pa rin ang pakiramdam ni Alexia. Nami-miss niya ang Pilipinas ... at higit sa lahat, si Cris. Napaiyak siya ... baka sa mga sandaling ito ay nagpapakaligaya ito sa piling ni Trixie. “I intend to love you, not to make you cry,” anang pamilyar na boses. Iisa lang ang nagsabi sa kanya ng mga katagang iyon. Ano’ng ginagawa ng lalaking ‘to rito sa Texas? Tinakasan niya ito nang ibando ni Trixie sa buong sulok ng showbiz sa Pilipinas na ka-live in nito ang guwapong binata, na nakilala niya’t inibig bilang si Cris Torres at hindi ang public image nitong si Lance Anderson, ang movie actor. Kung anumang pagpapaliwanag ang gagawin nito ngayon sa kanya, iisa ang tiyak niya: natagpuan na nito ang daan patungo sa puso niya…

Daan Patungo Sa Puso Ko
Jan 17 2011 - 00:43

Francesca Ruiz, ang sosyal na babae na ni sa hinagap ay hindi nanaising magkaroon ng kasintahang tulad ni MAnolo Katalunan, ang walang taste, sanggano, batang Quiapo na lalaki. In other words, baduy. Pero nagbiro ang tadhana, natalo siya sa isang pustahan nilang magkakaibigan at kinailangang ipakilala niya ang baduy na si Manolo bilang kanyang boyfriend. Isang palabas na ‘di niya inasahang magdudulot ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Kakainin niya pala ang lahat-lahat ng sinabi niya…

Ang Boyfriend Kong Baduy
Jan 16 2011 - 21:56

Dear Charo, Isang maligayang pagbati sa iyo at sa buong staff sa pangalan ng panginoon! Ako po ay masugid ninyong tagasubaybay. Dalaga na ako nang simulan ninyo sa telebisyon ang TV program na “Maalaala Mo Kaya.” Humaling na humaling ako sa magagandang istorya ng MMK kaya kahit mayroon akong exam ay hindi ko mapaglabanang hindi manood. Hanggang ngayon po na mayroon na akong trabaho ay ganoon pa rin ang hilig ko—nakalaan ang oras ko sa inyong programa tuwing gabi kapag araw ng Huwebes. Kagaya ng marami ninyong suki, isa rin po ako sa mga unang-unang natuwa nang mag-branch out kayo sa pocketbook. Isa ako sa unang tumangkilik agad sa panibago ninyong venture na ito sapagkat nakita kong kakambal pa rin nito ang matapat ninyong hangarin na makapagbigay ng aliw sa inyong mga mambabasa. Hindi lang nakaaaliw ang mga kasaysayang inilalathala ninyo, Charo. Nagbibigay-aral din. Nagbibigay ng liwanag sa mga taong pinagdirimlan ng isip. Ang akala ko noon magiging ordinaryong tagasubaybay na lamang ako. Hindi ko akalain na isang araw ay maiisipan ko ring ipadala ang aking kasaysayan. Na-excite ako sa ideyang mababasa ko sa pocketbook ang aking karanasan. Bunso po ako sa tatlong magkakapatid pero lumabas na parang nag-iisang anak. Namatay ang dalawang sinundan ko bago pa sila nakatuntong sa paaralan. Nakapanghihinayang, pero iyon ang kalooban ng Panginoon, sabi ng aking mga magulang. Gayon kamaka-Diyos ang mga magulang ko, Charo. Tumanim sa isip kong lahat ng bagay ay nangyayari dahil kalooban ng Diyos. Lahat daw, Charo. Lahat. Magdidisinuwebe anyos ako nang datnan ng isang mabigat na pagsubok. Namatay ang itay ko nang ma-hit and run ng isang walang puso. Doble-doble ang sakit na dulot niyon sa akin. Nawalan na ako ng ama nawalan pa ako ng pag-asa sa buhay sapagkat hindi na ako makapagpapatuloy ng pag-aaral. Naitanong ko noon sa Diyos, “Kalooban pa rin ba Ninyo ito?” Tunghayan po ninyo ang buo kong kasaysayan...

Maalaala Mo Kaya - Three Red Roses
Jan 16 2011 - 21:37

“Ako ang nagtanim. Ako rin ang nagbayo. Ngayong naisaing ko na, bigla kang dumating at gustong angkinin ang pinagpaguran ko.” May apoy ng panunumbat sa bawat salitang binitiwan ni Miko. “Tama ang analogy mo. Pero ang bottomline, sino ba ang mahal ni Cathy? Bakit hindi mo tanggaping walang pupuntahan ang inyong relasyon?” nanghahamon ang tinig ni Greg. Subalit sa halip sumagot, hinablot ni Miko ang mangkok ng siomai at isinaboy sa mukha ni Greg ang laman niyon.

Maalaala Mo Kaya - Siomai
Jan 16 2011 - 23:17

Anim na taon na ang nakararaan, nagkaraoon ng gap ang dati’y magandang pagtitinginan ng magpinsang Irish at Maricel. Inakusahan ni Maricel si Irish na mang-aagaw ng nobyo. Nagkasundo lamang silang muili nang mabaling ang pansin ni Maricel kay Jake. Pero sa malas, si Jake ay kay Irish na naman naaakit. Kaya ba niya ang mas matinding galit ng pinsan sa ikalawang pagkakataon? At paano kung ang kalaban na niya ay ang sarili na umpisa pa lamang ay naakit na rin kay Jake?

Kung Nalalaman Mo Lamang
Jan 16 2011 - 22:56

Kakaiba ang birthday gift na tinanggap ni Hilda mula kay Eric. Isang gold plated na bracelet. Anang note na kasama niyon: “If you keep this, love mo rin ako at magsyota na tayo. If you don’t want to, then just return it to me.” Bagama’t may konting pagtingin sa kaklase, nainis si Hilda sa paraan ng panliligaw nito. Ipinasiya niyang isoli ang bracelet. Pero bakit parang bulang naglaho ang alahas at hindi na niya makita?

Engagement Bracelet
Jan 16 2011 - 22:36

Nasa elementary si Jenna nang matuklasan niya ang kakaibang kapangyarihan. Na ang isang pangyayari, basta’t malinaw na malinaw niyang nakita sa kanyang panaginip ay tiyak na magkakatotoo. Sabi ng isang manghuhula, taglay daw niya ng isang kakaibang psychic power. At naniwala naman si Jenna. Magtatapos ng high school si Jenna nang mapanaginipan niya ang isang lalaki na nagpakilala sa kanya sa pangalang Harmond Pedragoza. At ayon sa kanyang panaginip, ang lalaki ang nakatakdang makaisang-dibdib niya. Mula noon, naging tila obsesyon na para kay Jenna ang matagpuan ang lalaki. Ngunit mayroon nga kayang isang Harmond Pedragoza na nabubuhay sa kanyang panahon?

Ang Panaginip Ko'y Ikaw
Jan 16 2011 - 22:24

Matinding atraksiyon ang naramdaman ni Mabel sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ni Albert. Matinding atraksiyon na nang lumaon ay nauwi sa labis na pag-ibig. Ngunit hindi maaaring suklian ni Albert ang pag-ibig niyang iyon dahil engaged to be married na ang lalaki sa nobya nito. Isang katotohanang hindi matanggap ni Mabel. Ipinangako niya sa sarili na kailangang mapasakanya si Albert sa anumang paraan. Kaya nang itakda ang kasal ng lalaki, gumawa siya ng plano. Dalawang araw bago ang kasal, kinidnap niya si Albert!

Hanggang Kailan Ako Magdurusa
Jan 14 2011 - 23:28

Ang tambalan nila, perfect – singer si Joni, pianist si Johnny. They make beautiful music together, wika nga. Pero iyon ay literally, hindi romantically. Ang problema, itong Joni, hopelessly in love kay Johnny. Pero itong si Johnny, may girlfriend nang balak pakasalan. At sa sitwasyong ito ng isang pag-ibig na nakatadhana yatang malanta nang hindi pa man sumisibol, pumasok ang isang napakayamang maglolo na parehong nagkaroon ng pagnanasa kay Joni! Ngayon, paano magkakaroon ng happy ending ang love story ni Joni?

Joni Loves Johnny