Skip to main content

Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson nagkaayos na

February 9, 2016

NAIBAHAGI ni Jodi Sta. Maria sa isang episode ng Tonight with Boy Abunda kung paano sila nagkaayos ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson, ang tatay ng anak niyang si Thirdy.

“Maayos po ang aming relasyon, masasabi ko na kahit papaano ay we’re better than before. And sa palagay ko, pareho na talaga kaming nag-mature bilang mga tao and naniniwala ako na iyong pagiging maayos ng aming relasyon bilang magkaibigan eh, grace lang po talaga ni Lord,” pahayag ni Jodi.

Kean tuloy sa paggawa ng music kahit may asawa na

February 9, 2016

KUMPARA noong binata pa siya ay marami na raw natutunan ngayon si Kean Cipriano sa kanyang buhay may asawa. Kamakailan ay pinakasalan ng singer-actor si Chynna Ortaleza.

Pagbabahagi niya sa kanyang estado ngayon, “It’s a dream come true. I have to learn about myself and how I handle things and life is short. That’s what I’ve realized.”

Puring-puri rin niya ang asawang aktres. “She’s good, she’s beautiful as always.”

Sunshine seryoso na mawalan na ng bisa ang kasal nila ni Cesar

February 8, 2016

IBINASURA na ng Quezon City Prosecutor’s office ang mga kasong isinampa ni Sunshine Cruz na Child Abuse (R.A.7610) at Anti-Violence Against Women and Children (R.A. 9262) laban sa asawang si Cesar Montano. Ikinalungkot ng aktres ang naging desisyon ng korte at ngayon ay umaapela siya.

Toni Gonzaga buntis na

February 8, 2016

AYON sa isang mapagkakatiwalaang source ay buntis na si Toni Gonzaga.

Hunyo noong nakaraang taon nang ikasal sina Toni at Paul Soriano, at ayon sa mga naunang panayam sa aktres ay sa 2017 pa nila planong magkaanak ng kanyang mister.

“Hindi naman porke't kasal na ako, 'yung commitment ko sa trabaho I will set it aside,” wika niya.

Nakatakdang magbida si Toni sa upcoming show ng ABS-CBN na “Written in Our Stars” kasama sina Piolo Pascual, Sam Milby at Jolina Magdangal.

Bagong isyu sa pagitan nina Kris at James sinarili na lang ng dating mag-asawa

February 7, 2016

HINDI itinanggi ni Kris Aquino na nagkaroon sila ng away kamakailan ng ex-husband na si James Yap pero nakontrol na raw niya ang sarili sa pagsusumbong sa kanyang followers sa social media.

Sa halos isang buwan daw niyang absence sa social media, marami raw siyang realizations.