Skip to main content

'Ipinapatay niya sa akin ang misis niya!'

February 12, 2016

POSIBLENG makulong ang isang 50 anyos na trader matapos itong ituro ng nadakip na suspek kaugnay sa pagpatay sa kanyang misis sa kanilang bahay sa bayan ng Diffun, Quirino kamakailan.


Ayon kay Quirino PNP Director P/Senior Supt. Andres Sinaon, nadakip ng mga operatiba ng pulisya ang suspek sa inilatag na follow-up operation subalit pansamantalang itinago muna ang kanyang pagkakakilanlan.


Lovers na, partners in crime pa

February 11, 2016

ARESTADO ang magkasintahan makaraang maaktuhan ng pulisya habang ibinebenta ang traysikel na kanilang sinikwat sa halagang P5,000 lamang sa Barangay Pacac, bayan ng Allacapan, Cagayan noong Pebrero 6.

Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Antonio Palattao, hepe ng Allacapan PNP ang mga suspek na sina Angelo Jacinto, 21; at Erica Rose Perez, 19, mga nakatira sa Tuguegarao City, Cagayan. 


Umawat sa away ng mag-asawa, kritikal

February 11, 2016

KRITIKAL ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang tiyuhin makaraang umawat ang biktima sa away ng suspek at ng asawa nito, madaling-araw ng Pebrero 8 sa Caloocan City.

Isinugod sa Caloocan City Medical Center ngunit inilipat din sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil kritikal ang biktimang si Alfredo Tio, 30, bodegero at residente ng DM Compound, Brgy. 73 ng naturang lungsod.

Nadakip naman ng mga tauhan ng Police Community Precinct 2 ang suspek na si Marcos Tio, 49, residente rin ng naturang lugar.

'Isang bala ka lang!'

February 11, 2016

PINAGHAHANAP ngayon ng Malabon City Police ang isang ginang na itinuturong utak sa pagpatay sa isang contractor na naging karelasyon umano nito.

Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng isang Pauleen Maantos  sa pamamaslang kay Hernani Saluna, 55, contractor/ foreman, ng No. 650-28 JM Templora St., Brgy. Santulan, Mala­bon, makaraang ituro ng misis ng biktima na si Susan Soliveres-Saluna na ang una ang utak sa pamamaslang.

Niloko at pinagsamantalahan ng pekeng recruiter

February 10, 2016

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang isang 49 anyos na dating security guard na nagpanggap na police officer sa America kaugnay sa reklamong grave threat, violation of anti-photo and video voyeurism law, robbery/extortion, 6 counts ng  rape,  at estafa sa isang babaing nais mamasukan sa ibayong dagat.